Prevention is better than cure nga daw ika nila. Paano nga ba natin maiiwasan
na magkaroon o sumpungin ULIT ng Anxiety, Panic Attacks, o Depression? Narito ang ilan sa
aking mga tips bilang isa ring dating sufferer nito na ngayon ay Anxiety Free na.
1. Iwasan ang sobrang emosyon (maliban sa sobrang saya)
Opo iwasan ang pagiging sobrang emosyonal. Sobrang excitement, Sobrang Lungkot, Sobrang galit. maliban nalang sa sobrang saya na emosyon. Bakit hindi kasama ang sobrang saya? Kasi naglalabas nga po sila ng Happy Hormones na kailangan para maiwasan
ang pagka trigger ng Anxiety at Panic Attacks.
2. Minimize your stress
Hindi naman naiiwasan ang stress lalo na sa panahon natin ngayon. Ang
magagawa lang natin is to minimize our stress levels para hindi siya maka apekto ng negatibo
sa ating pamumuhay. Pwede mong yayain ang mga tropa na gumala, Manood ka ng paborito
mong palabas, Kumain ng gusto mong pagkain etc.
3. Magkaroon ng pagkaka abalahan.
Ang utak kasi natin ay nagiging malikot kung wala tayong focus o activity
na ginagawa. At dahil dito minsan ay nabubuo sa isip natin ang mga walang kabuluhan at walang katuturang bagay. Dapat regular pa rin na meron tayo dapat na pagkaka abalahan. Pero
dapat in moderation lang.
Sana ay nakatulong sayo ang mga tips ko.
Subscribe to my blog to learn more about mindhealth

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento